May 22, 2026

Home BALITA

Middle class, pasok maging benepisyaryo ng AICS!—DSWD

Middle class, pasok maging benepisyaryo ng AICS!—DSWD
Photo courtesy: via DSWD

Nilinaw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maaari pa ring maging kwalipikado ang middle class para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS).

Sa isinagawang media forum ng DSWD nitong Biyernes, iginiit ni Program Director Edwin Morata, na wala umanong piniliping antas sa buhay ang mga insidenteng biglaang problema.

"Hindi pinipili ng shocks kung ikaw ay mayaman o mahirap, may trabaho o wala, kung ikaw ay nasa middle class o ikaw ay low-income earner o minimum wage," saad ni Morata.

Dagdag pa niya, "Maaaring disaster, lahat tayo ay apektado. Ang energy emergency, lahat tayo ay apektado. Even health shocks, lahat tayo ay apektado."

Ayon sa DSWD, may tatlong proseso ang DSWD para sa aplikasyon sa AICS, ito ay ang queing, assessment at interview hanggang sa mai-release ang pinansyal na tulong.

National

‘Fake AI News Alert!’ PhilHealth, nilinaw na wala silang ipinamimigay cash ayuda

Para naman sa mga kinakailangang dokumento, ang primaryang hinihingi ng DSWD ay:

-Valid ID

-medical certificate, medical abstract o certification mula sa psychiatrist o psychologist.

Paglilinaw pa ng DSWD, amy ilang requirements din na nakadepende sa kinakailangan ng nag-aapply sa AICS, narito ang iba pang requirements:

-Pruweba ng labroatory request o procedure

-Docto's order or treatment protocal na may presyo 

-Para sa mga pambili ng amot, kailangan din ng kopya ng reseta

-At para naman sa hospital bill, kinakailangan magsumite ng stament of account.

'Yan po ang lagi natin sinasabi na kapag may pngangailangan na hindi napaghandaan ng isang tao o pamilya, yung pinansyal na kapasidad nila na tugunan yung pangangailangan, kaya may ganito tayong programa," saad pa ni Morata.