May 22, 2026

Home BALITA Internasyonal

‘National health insurance system,’ plano ng Pilipinas at UAE para sa mga OFW

‘National health insurance system,’ plano ng Pilipinas at UAE para sa mga OFW
Photo courtesy: DOH (FB)

Magsasanib-puwersa ang Pilipinas at United Arab Emirates (UAE) upang bumuo ng isang national health insurance system para sa mga manggagawang Pilipino sa UAE. 

Ibinahagi ng Department of Health (DOH) sa kanilang Facebook page noong Huwebes, Mayo 21, na layon ng bagong sistema na sagutin ang pagpapa-check up at pagpapagamot ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na nakadestino sa UAE. 

Sa personal na pakikipag-usap ni DOH Sec. Ted Herbosa kay Dr. Maha Barakat, na Assistant Minister for Medical Affairs and Life Science ng UAE, nilayon din nilang pagtibayin ang kaalaman ng OFWs sa iba’t ibang sakit tulad ng altapresyon at diabetes, na karaniwang napapabayaan ng mga ito habang nagtatrabaho. 

Saad pa ni Barakat, mahalaga ring maipagmalaki ang galing ng mga Pinoy, partikular ang mga nagtatrabaho sa healthcare sa iba’t ibang mundo at aniya pa, nararapat lamang na maalagaan ng Pilipinas at UAE ang mga ito dahil ang bawat manggagawa ay may malaking gampanin ng global health workforce.  

Internasyonal

WHO, nababahala sa ‘scale and speed’ ng Ebola outbreak; 134 suspected deaths naitala