HINDI kukulangin sa 125 sultada ang naghihintay sa mga opisyonado ngayon sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila sa pagkamada ng ikalawang araw ng semifinals ng ginaganap na the 2018 World Pitmasters Cup (Fiesta Editon) 9-Cock International Derby simula ika-10 ng umaga.
Pangungunahan ang labanan ngayon araw ni PFGB-Digmaan Chairman Nestor Vendivil ng Nueva Ecija na magaan nakalusot sa eliminasyon matapos magtala ng apat na panalo sa apat na laban gamit ang kanyang mga lahok na Oliver Chopper at Oliver Trainor.
Nakatakda simula Abril 28 hanggang Mayo 5, ang panadigdigan pasabong na ito ay handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, RJ Mea & Gov. Eddiebong Plaza, sa pakikipagtulungan nina Eric dela Rosa at Ka Lando Luzong & Eric dela Rosa, sa pagtataguyod ng gold sponsor na sponsor Thunderbird Platinum – sa paluan ‘di mauunahan; at suporta din ng Excellence, VNJ, LDI, Thor and Experto.
May tigalawang panalo rin ang mga entries na Mt. Panamao 2 (Gov. Gerry Espina Jr.), City Of Santiago July 22 5-Cock Fiesta Derby (Ed Miranda), Emman #1 (Emman Eduarte), Poleman (Engr. Celso Salazar), BMY Farm 1 (VM B. Ynares), EDL Excellence (Doc Ayong Lorenzo),), E.S.M. Jobo (Lito Orillaza), JT/Boss Dondon 2 (Boss Dondon), Eman Goldline Spiderman (Atty. Eman Pichay/Jess Floro), Boyj/Jed (Boy Jimenez Jr.), King Arthur Spiderman (Art Atayde), Sagupaan Baby Stag/High Action P.A & Inguel (Cong. Patrick Antonio), Pasay 4-Cock June 15 (Tony Lasala), Batang Makulit (Michael Chua/Jess Sta. Ines) at “Kaliwete” Ponciano (Raffy Zaide).
Wala pa ring gurlis ang mga lahok na AA Vikings 1 (Atong Ang), AA Vikings 4 (Atong Ang), ATY Sumugat (Alex Ty), JVL -Saturn-Ako Bisaya, JVL - Don Rex, Multinational-Saturn (Reynante/Procy), Victory AA - Sto. Angel, AA-Mike, Noel Alex GT (Gerry Teves), Sagupaan/ AEJ Farm (Cong. Patrick Antonio), Thor Mighty Dewormer RA JC (EDR), LB Golden Feet 1 RS (Ka Luding/Rey S.), LB Golden Feet 2 RS (Ka Luding/Rey S.), Oct.20 LRAC Leyte Landing 6-Stag 2M (Bernie Tacoy/SL), Goldquest JRJ Signature LDI 1 (RSL, Osang Dela Cruz,Tata Yap,EYC), Roosterville 4 (EP) at San Juan Moa/Ivan Sa Oct. 6-Stag Big Event 2 (Vice Marasigan/Oldak/TC).
May tig-isang panalo at isang tabla naman ang Gemini Riper 1 (Jansoy Lee/Dennis Hain/Richard Perez), Senior Alberto (James Paul Teves), CJ 1 (Charlie Gayoso), Jobo E.S.M. (Lito Orillaza), CPB Hawaii 1 (Gov. Claude Bautista), Fatboy LF (Bos Cholo & Bailey), 419 Tose (Edwin Tose), AA Vikings 2 (Atong Ang) at AA Vikings 3 (Atong Ang).
Pagkatapos ng semifinals, ang mga may iskor na 3 - 3.5 puntos ay maglalaban para sa kanilang 4-cock finals sa Mayo 3, samantalang ang mga may iskor na 4, 4.5 & 5 puntos ay maghaharap sa 4-cock grand finals sa Mayo 5.