Ni Nitz Miralles

MAY twist ang istorya ng The One That Got Away. Mag-aaway sina Lovi Poe at Rhian Ramos, at kung bakit, panoorin ang sexy rom-com series.

Lovi copy

Malaking problema ito dahil ang boyfriend ni Zoe (Rhian) na si Gael (Jason Abalos) ay kuya ni Alex (Lovi). Si Gael ang maaapektuhan nito at maiipit kung sino kina Alex at Zoe ang kakampihan.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Nabanggit na ni Rhian na may mga twist sa TOTGA bago ito magtapos na matagal-tagal pa naman at isa sa mga ito ang conflict nila ni Alex.

“Ito ang maganda sa TOTGA, hindi lahat puro kakikayan naming tatlo ang mapapanood, may konting drama rin. I’m glad nagugustuhan ng viewers ang story ng show namin. I’m sure, hindi sila madi-disappoint sa magiging ending ng show,” sabi ni Rhian.

Naikuwento rin ni Rhian na ‘yung pelikulang The Trigonal na isa siya sa cast ay natanggap at ipalalabas sa Cannes Filmfest sa May12. Launching ito ng new action star na si Ian Ignacio at si Vincent Soberano ang director. Nang ma-interview sa taping ngTOTGA, hindi pa alam ni Rhian kung kasama siya sa cast na dadalo sa Cannes Filmfest.