MULING masisilayan ang husay ni 13-times Philippine Open Champion Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. sa isang simultaneous chess exhibition ngayon sa JRS chess club headquarters sa Barangay Ampid 1 sa San Mateo, Rizal.

Ayon kay JRS chess club official Jed Abudanza, si JRS chess club top player John Fajardo ang nakipag-ugnayan kay Cayetano “Jun” Reyes Santos Jr., ang tinaguriang God Father ng Chess sa San Mateo, Rizal para magsagawa ng simultaneous chess exhibition si GM Antonio, ang Vice Champion ng 27th World Senior Chess Championship 2017 (50+ and 65+ Open-men and women) na ginanap sa Acqui Terme, Italy nitong Nobyembre.

Tampok din ang JRS Chess Team Tournament na tinampukang Fiesta Dalawahan 1950 average team rating sa nasabing lugar.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!