Ni Jun Fabon

Kumpirmadong dalawang hinihinalang tulak ng droga ang napatay nang manlaban umano at makipagbarilan sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Novaliches, Quezon City, nitong Linggo ng gabi.

Base sa report ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Chief Supt. Joselito T. Esquivel Jr., ang napatay ay kinilala lamang sa alyas na “Michael”, nasa 40 anyos, tadtad ng tattoo ang katawan, at walang tiyak na tirahan; at si alyas “Amado”, 40 anyos.

Lumitaw sa imbestigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), na dakong10:30 ng gabi nang mangyari ang engkuwentro sa pagitan ng mga suspek at ng mga operatiba ng QCPD-Station 4 Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ikinasang buy-bust operation sa Geronimo Compound sa Barangay Sta. Monica sa Novaliches.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Nabatid na nang matunugan umano ng mga suspek na mga awtoridad ang kanilang katransaksiyon ay kaagad na bumunot ng baril ang mga ito, pero inunahan sila ng mga pulis at napatay.

Nakumpiska umano mula sa mga napatay ang 18 sachet ng hinihinalang shabu, isang .45 caliber Armscor pistol, isang .38 caliber revolver, drug paraphernalia, at P10,000 marked money.