Mula sa Cover Media

PAGKARAAN ng ilang araw matapos kumpirmahin ni Katy Perry na siya ay “spoken for” nang tanungin tungkol sa kanyang relationship status, bumiyahe siya at ang kanyang actor beau na si Orlando Bloom papuntang Vatican City sa Rome nitong Sabado para dumalo sa annual Unite to Cure conference na tumatalakay sa epekto ng bagong teknolohiya sa lipunan at kultura.

9645049c

Nakasuot si Katy ng black veiled hat at ruffled dress para sa espesyal na okasyon, samantalang si Orlando ay guwapong-guwapo sa suot na black suit and tie.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa maikling video na kuha sa pagpupulong, makikita ang Roar hitmaker na inilalapat ang kamay sa kamay ni Pope Francis habang nakatayo naman sa kanyang tabi ang kasintahan.

“Happy Saturday, everyone. I’m here in Rome at The Vatican about to speak on meditation,” sabi ni Katy sa clip na ipinaskil sa kanyang Instagram Stories, na nagpapakita sa kanya habang dumarating sa religious site kasama ng kanyang i n a n g s i Ma r y Hudson at si Orlando, na inilarawan niya sa video bilang “my darling”.

S a wa k a s a y kinumpirma na rin ni Katy, 33, ang mga espekulasuyon na nagkabalikan sila ng 41-year-old British star nang tanungin nitong unang bahagi n g l i n g g o k u n g makikipag-date siya sa isang American Idol contestant, kahit na siya ay judge sa singing competition show.

“No, I’m sorry I have been spoken for and speak for myself,” aniya sa Entertainment Tonight. “And I’m very happy!”

Ma h i g i t i s a n g t a o n n a n a g i n g magkasintahan sina Katy at Orlando simula January 2016 at naghiwalay noong March 2017. Naispatan silang muling magkasama noong Disyembre habang nagbabakasyon sa Maldives, bago bumiyahe sa Prague nitong unang bahagi ng taon.

Nitong nakaraang buwan, magkasama ang couple sa Tokyo, kung saan tila inialay ni Katy ang isa niyang awitin kay Orlando, na nasa audience.

“(I feel) very loved. And this next song is about being so loved and so seen that you never ever have felt this feeling before. This feeling of love,” aniya bago inawit ang Into Me You See.