Untitled-19 copy

PAGKARAAN ng isang taon simula nang makamit ang college diploma, patuloy pa rin sa pagbuo ng kanilang pangarap ang scholars ng Eat Bulaga.

Noong 2009, sa ika-30th anniversary ng programa, inilunsad ang Eat Bulaga Excellent Student Awards o EBest Awards para matulungan ang mahihirap na elementary at high school students mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa at maipagpatuloy ang kanilang secondary at tertiary education. Bukod sa full scholarship grant, nagbibigay din ang show ng monthly allowances at cash assistance.

Isa sa mapapalad na natulungan ng Eat Bulaga si Isah Clarisel Lilia, AB Political Science graduate mula sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman campus. Nagtapos siya noong 2017 at sa kasalukuyan ay first year law student sa nasabing eskuwelahan.

Tsika at Intriga

Sey mo Julie Anne? Vice Ganda, nag-joke tungkol sa 'Anong kinakanta sa simbahan?'

“Dahil sa programa, naipagpatuloy ko ang aking edukasyon na hindi inaalala kung saan kami kukuha ng tuition fee or allowance. Malaki ang pasasalamat ko na may isang organisasyon tulad ng Eat Bulaga na handang magbigay ng tulong sa mga kabatang nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral.”

Tulad ni Clarisel, natamo rin ng Bulacan native na si Angelica Nieva ang kanyang degree noong nakaraang taon mula sa Bulacan State University. Ayon sa dalaga, naging inspirasyon niya ang show para kumuha ng kursong AB Mass Communication major in Broadcast Journalism.

“Bago pa ako mabigyan ng scholarship grant, nagkaroon na ako ng interest sa television production noong kami ay manood ng live sa studio. Sabi ko sa sarili ko na balang araw, magtatrabaho din ako sa ganitong field,” sabi ni Angelica.

Online English teacher sa ngayon si Angelica, na siya nang breadwinner ng kanyang pamilya.

“Ang sarap sa pakiramdam na mayroon na akong kinikita ngayon para masuportahan ko ang aking pamilya. Napakalaki ng pasasalamat ko sa programa kasi pinili nila ako sa daan-daang applicants. Masasabi ko na dahil sa aking degree, napakadami kong puwedeng makamit sa buhay.”

Bukod kina Clarisel at Angelica, unti-unti na ring natutupad nina Melvin Dugan ng Taguig at Grace Angela Pocyoy ng Benguet ang kanya-kanyang pangarap.

Si Melvin, na nagtapos na cum laude sa Jose Rizal University sa kursong Business Administration major in Accounting ay nagtatrabaho na ngayon bilang bookkeeper sa isang law firm. Si Grace ay naglilingkod naman sa isang BPO company.

Ipinagdidiwang Eat Bulaga ngayong taon ang pagtatapos ng 18 EBest college scholars mula Luzon, Visayas at Mindanao.

Bawat isang scholar ay nagpakita ng sipag, tiyaga at dedikasyon na maabot ang kanilang mga pangarap.

Ang 2018 EBest graduates ay sina Jannelle Ivine Atencio (BS Elementary Education, Polytechnic University of the Philippines), Diana Lou Bautista (BS Secondary Education, Palawan State University), Justine Bulan (BS Information Technology, Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa), Sheryl Calay (BS Secondary Education, Romblon State University), Mark Louie Castaneda (AB Political Science, Araullo University), Jerard Castro (BS Education Major in Math, Central Mindanao University), Kurt Hostallero (BS Secondary Education, Batanes State College), Jason Intano (BS Accountancy, PUP).

Eries Isiderio (BS Education Major in Physical Science, Capiz State University), Marinel Moyo (BS Information Technology, Technological University of the Philippines), Jessica Olevo (AB Communication, Leyte Normal University), Jessa Ortega (BS Information Technology, Bicol University), Aldrin Punzalan (BA Public Administration, Bulacan State University), Edwin Salazar, Jr. (BS Education Major in Math, Mindanao State University), Rhea Kristine Santos (BS Accountancy, University of Immaculate Concepcion), Regine Talisayon (BS Nursing, Southern Luzon State University)

Kasama rin sa nagsipagtapos sina Lemuel Butilla (BS Education major in Filipino, Norther Mindanao Colleges), at Zaldy Felisilda, cum laude (BS Accountancy, University of Bohol).

Ayon kay Zaldy, ang pagkakapili sa kanya bilang EBest scholar ay malaking oportunidad na makapagbigay ng mas maayos na buhay para kanyang pamilya.

“It’s a once in a lifetime opportunity at masasabi ko na mas nagkaroon ng pangarap ang aking pamilya. Binigyan nito ng pag-asa ang aking mga magulang ng mas nakakaluwag na buhay at na makatapos din ang aking mga kapatid. Ang aking edukasyon ay ang isang bagay na di mananakaw nino man sa akin.”

Para naman kay Lemuel, malaking karangalan na makapagbigay ng inspirasyon sa ibang kabataan na gustong makatapos ng pag-aaral.

“Walang mangyayari sa atin kung puro dasal lang. Kailangan sabayan natin ito ng sipag, tiyaga at pagpupursige para ibigay sa atin ng Panginoon ang mga hiling ng ating puso. Kailangan din magkaroon ka nang tiwala sa iyong sarili para maabot mo ang iyong mga pangarap.”

Ang EBest Awards ay isa lamang sa mga proyekto ng Eat Bulaga sa halos apat na dekada nito sa telebisyon. Naglunsad din ito ng iba’t ibang proyekto tulad na lamang ng EB Classroom Project, Isang Lapis Isang Papel Project, EB Heroes at ang konstruksyon ng mga AlDub libraries nationwide.