Ni Mary Ann Santiago

Patay ang isang sanggol na babae matapos mabigti sa duyan sa Port Area, Maynila kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Rovelyn Abriu, 1 taon at isang buwang gulang, residente ng 076 Block 18, 2nd Street sa Port Area.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Michael Marragun ng Manila Police District- Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), naganap ang insidente sa ikalawang palapag ng bahay ng biktima, bandang 10:50 ng umaga.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Na tutulog ang bikt ima sa duyan, na gawa sa nylon, nang iwan ng kanyang inang si Rosalinda sa kalinga ng kanyang mga anak na sina Rommel, 9; at Rolando, 6, upang mangutang ng bigas. Gayunman, iniwan nina Rommel at Rolando ang natutulog na biktima at nakipaglaro sa kanilang mga kapitbahay.

Pag-uwi, tinawag ni Rosalinda ang mga anak para kumain at tuluyang bumulaga ang biktima na nakabigti sa duyan.

Agad inalis ni Rosalinda ang biktima sa pagkakabigti at isinugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH), ngunit patay na ito.