Ni Orly L. Barcala

Sa rehas ang bagsak ng dalawang lalaki na nakumpiskahan ng baril at ilegal na droga makaraang isuplong ng kanilang kapitbahay sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nadakip na sina Joseoh Consular, 25; at Danilo Salvador, 32, kapwa residente ng Barangay 178, Camarin ng nasabing lungsod.

Ayon kay Police Senior Inspector Rengie Deimos ng North Caloocan Police, nakatanggap sila ng tawag na may dalawang armadong lalaki na pagala-gala sa lugar, dakong 2:00 ng madaling araw.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Rumesponde ang mga tauhan ni Deimos at naabutan ang mga suspek at agad inaresto.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong pakete ng umano’y shabu at isang cal. 38 na kargado ng limang bala.

Sinasabing sangkot sina Consular at Salvador sa mga insidente ng pamamaril at droga ang ginagamit na pampalakas ng loob.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Omnibus Election Code, Violation for Dangerous Comprehensive Drugs of 2002, at Illegal Possession of Fire Arm and Ammunitions.