Ni JIMI ESCALA

HINDI tinitigilan ng libu-libong tagahanga ni Luis Manzano ang netizen na umangal sa sampung libong ibinigay ng aktor/TV host.

LUIS copy

Ang pera na kusang loob na ibinigay ni Luis ay para sa panghanda sa debut ng naturang netizen.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

“Sana wag nila i-edit bukas na 10k lang binigay ni Luis Manzano sa debut. Malalaman natin yan bukas Litsi Gusto pang gamitin yung picture namin sa debut para proof. Kami gumastos nu’n,” tweet ng netizen na si @iamhiselle.

Kaya hayun, sunud-sunod ang hambalos na tinanggap nito sa netizens.

Pero si Luis na mismo ang nakiusap sa lahat na tigilan na ang pagkuyog sa nasabing girl. Ayon pa sa host ng I Can See Your Voice ay nagkaayos na raw sila ng girl.

Inilabas din ni Luis sa kanyang Instagram ang paghingi ng paumahin sa kanya ng girl na naloka siguro sa non-stop bashing na natatanggap. Humingi ito ng tulong kay Luis para matigil ang pagkuyog ng bashers.

“May I ask sa lahat na bigyan na siya ng break and let it go na. Thank you for the nice words and pagtatanggol sa akin, I appreciate it. Pero kawawa naman this young lady sa bashing,” sey ni Luis.

Para sa aktor/TV host, sapat nang humingi ng paumanhin ang debutante. Kaya ganoon na lang ang pakiusap niya sa lahat ng fans niya na tigilan na ang pagba-bash sa girl.

Alam namin na pagdating sa pagbibigay ng tulong ay champion si Luis Manzano. Kami mismo ay ilang beses nang natulungan ni Luis, at ang latest ay ang pagtakbo naming muli sa darating na barangay election.

Hindi kami nagdalawang-salita sa panganay ni Cong. Vilma Santos-Recto.

Samantala, hanggang ngayon ay pinag-uusapan ang nakakaiyak na birthday celebration ni Luis sa top-rating show niyang I Can See Your Voice. Special guest niya ang kanyang Mommy Vi.

May dahilan kung bakit masaya ang personal na buhay at career ni Luis. Bukod sa napakatagumpay na negosyo ay maganda rin ang relasyon ng dalawang pamilya niya, ang mga Recto at Manzano.

No wonder, walang tigil ang pakiusap sa kanya ng mga taga-Lipa na tumakbo siya bilang mayor ng siyudad.