HOUSTON (AP) — Nadomina ng Houston Rockets, sa pangunguna nina Clint Capela na may 26 puntos at 15 rebounds, at James Harden na kumana ng 24 puntos, ang Minnesota Timberwolves, 122-104, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) sa Game 5 ng kanilang best –of-seven first round playoff.

Naselyuhan ng top-seeded Rockets ang serye, 4-1.

Haharapin ng Houston sa second round ang magwawagi sa duwelo ng Utah at klahoma City. Abante ang Jazz sa serye, 3-2.

Nanguna si Karl-Anthony Towns sa Timberwolves sa naiskor na 23 puntos at 14 rebounds.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

THUNDER 107, JAZZ 99

Sa Oklahoma City, nagsalansan si Russell Westbrook ng 45 puntos para sandigan ng Thunder sa come-from-behind win at maidikit ang seye sa 2-3.

Hataw din si Westbrook ng 15 rebounds at pitong assists, habang kumana si Paul George ng 34 puntos at walong rebounds.

Tatangkain ng Jazz na tapusin na ng serye sa Game 6 sa Salt Lake City sa Biyernes .

Ratsada ang Jazz sa 25 puntos na bentahe sa first half, sa pangunguna ni Jae Crowder na tumipa ng career playoff-high 27 puntos. Nag-ambag si Donovan Mitchell ng 23 puntos.

CAVS 98, PACERS 95

Sa Cleveland, naisalpak ni LeBron James ang three-pointer sa buzzer para maisalba ang kampanya at kuning ang 3-2 bentahe laban sa Indiana Pacers.

Nabawi ni James ang natamong turnover sa krusyal na sandali nang butatain ang tira ni Voctor Olapido may tatlong seguno ang nalalabi na nagbigay daan para sa isa pang kabayanihan.

Tumapos si James na may 44 puntos, 10 rebounds, walong assists