Ni JIMI ESCALA

UMUGONG ang balitang nag-propose na raw si Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo.

Nangyari raw ‘yun nang bakasyon ang magkasintahan sa Palawan nito katatapos na Mahal na Araw.

Pero agad namang itinanggi ni Matteo ang isyu.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“Wala pa naman, hindi pa talaga,” napatawang paglilinaw ng actor.

Pero idinagdag ni Matteo na nag-enjoy sila ni Sarah sa bakasyon nila at isa raw ‘yun sa hindi niya makakalimutang pagsasama nila.

“We went to my cousin’s farm in Palawan. We learned about how pearls were made and how to be proud of it because these pearls are Philippine gems.

Hindi naman lahat, eh, know this but the Philippine gem is the golden pearl,” kuwento ng aktor.

Nalaman nila ni Sarah kung paano pangalagaan ang mga perlas.

“We saw how they were cultivated, how they were farmed and how they were made. It’s so amazing,” sey ni Matteo.

Ikinuwento rin niya na bago sila nagbakasyon sa Palawan ay magkasama rin sila ni Sarah sa kanyang 28th birthday.

Napakasaya raw niya sa okasyon na ‘yun.

“Pasalamat na lang sa Star Creatives for releasing me early kasi may taping kami nang araw na ‘yun, but they released me early to catch up my birthday celebration. I was very happy because. You know all my friends not only sa showbiz, but from everywhere, eh, andu’n sila,” lahad pa ni Matteo.

Samantala, ganoon na lang ang pasasalamat ni Matteo na nag-viral ang duet nila ni Sarah.

“Siyempre, maraming salamat sa lahat na na-appreciate nila, but we were just there to celebrate the good time,” aniya.

Aminado siya na kahit happy sila sa relasyon nila ay may mga dumarating pa ring pagsubok sa kanila.

“For now, kumbaga, it’s not always ups, there’s a lot of downs also, but you know, things were working out, things are good,” nakangiting sambit ni Matteo.