Ni Reggee Bonoan

LAGING isinasama ni Vina Morales ang anak na si Ceana sa tapings ng Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi pero nasa van o standby area lang ang bagets.

Vina

“Isinasama ko siya sa tapings, alam mo naman I’m a single parent and a working mom, lalo na ngayon wala siyang pasok so I bring her with me. Direk Ruel (Bayani) allows me to bring her kasi alam naman nila ang sitwasyon ko pero kapag eksena na, nandoon lang siya sa van ko or sa tent. Hindi siya puwedeng manood kasi pang-adult na ito,” pahayag ng aktres.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Pero nababanggit ba ni Vina kung ano ang karakter na ginagampanan niya sa serye.

“Ay hindi! Hindi! Ha, ha, ha. Bawal siya (Ceana),” tumawang sabi sa amin ng magandang mom ni Ceana.

Biro nga namin kay Vina ay kung kailan siya tumanda ay saka siya tumanggap ng karakter na kailangan niyang maging sensual bukod pa sa love scenes.

“Oo nga, eh, kung kailan ako tumanda saka ako magkakaroon ng sensual scenes, ha, ha, ha, sabi ko nga, pabalik ba ako?

“But actually, I’m very challenge with the role being Celestina. Para sa akin to do a villain, not really a villain kasi may mga pinagdaanan kaya naging strong, siguro maninibago lang ang makakapanood kasi sa mga movies and TV shows ko before puro lang ako pa-tweetums, may mga sexy scenes naman akong nagawa but there’s always a limit, talagang kinakailangan lang sa role as Celestina na sensual. Marami siyang relationships, marami siyang tinatagong relationships from past to present,” pahayag ng aktres.

Talagang magsasawa raw ang makakapanood kay Vina sa mga sexy scenes nito dahil, “Nakaka-sa 3rd day (taping) palang ako, nakaanim na bathing o swim suit na ako kasi nasa beach scene kami so tama rin naman, alangan namang naka-cover ka.”

Bagama’t pumayag si Vina sa mga ganitong klaseng eksena ay may limitasyon naman daw siya at alam iyon ng mga direktor niya.

“Nabibigyan naman ng magandang shots ng ating mga direktor tulad ng eksenang hinahalikan ako rito (leeg). Naalagaan naman nila ako,” say ng aktres.

Anyway, bago nagsimula ang presscon ng Araw Gabi ay si Vina ang pinakanta ng theme song at nagustuhan ng business unit head na si Direk Ruel S. Bayani ang version ng singer/actress kaya siya na ang piniling kakanta ng theme song habang umeere ang PHR.

Kaya masayang ibinalita ito ni Vina sa amin bago kami magtapos ng one-on-one interview namin.

“Heto, kakasabi lang, nakakatuwa ako na ang kakanta ng theme song ng Araw Gabi (orihinal ni Didith Reyes). Nagustuhan yata ni Direk Ruel ang version ko, yehey, parati nang maririnig ang boses ko. I’m so happy talaga,” nakagiting sabi sa amin.

Makakasama rin sa Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi sina Barbie Imperial, RK Bagatsing, Jane Oneiza, Paulo Angeles, Isabel Ortega, Joshua Colet, Victor Silayan, Arlene Muhlach, Eric Nicolas, Phoebe Walker, Ara Mina, Rita Avila at JM de Guzman mula sa direksyon nina Don Cuaresma, Mylah Ajero Gaite at Theodore Boborol handog ng RSB Unit.