GS Warriors at Sixers, umusad sa second round; Boston, angat sa Bucks

OAKLAND, Calif. (AP) — Kumana si Kevin Durant ng 25 puntos, habang pinangunahan ni Draymond Green ang depensa ng Golden State Warriors para mapigilan ang ratsada ng San Antonio Spurs tungo sa 99-91 panalo sa Game 5 at makausad sa second round ng Western Conference playoffs.

TRIPLE DEFENSE! Nalimitahan ng Golden State ang kilos ni Lamarcus Aldridge sa mala-lintang depensa sa Game 5 ng kanilang Western Conference first-round playoff. Umabante ang Warriors laban sa New Orleans Pelicans. (AP)

TRIPLE DEFENSE! Nalimitahan ng Golden State ang kilos ni Lamarcus Aldridge sa mala-lintang depensa sa
Game 5 ng kanilang Western Conference first-round playoff. Umabante ang Warriors laban sa New Orleans
Pelicans. (AP)

Hataw si Klay Thompson sa naiskor na 24 puntos, habang nag-ambag si Green ng 17 puntos at career-playoff high 19 rebounds at pitong assists para maselyuhan ang panalo sa serye, 4-1.

Ilang volleyball stars pina-auction jersey; tulong sa player na may liver cancer

Nakumpleto ni LaMarcus Aldridge ang three-point play may 1:31 ang nalalabi para maidikit ang iskor sa 93-89 at nasundan ng dalawang free throw may 57.2 segundo sa laro. Ngunit, nakabawi ang Warriors mula sa long jumper ni Green at dalawang free throws sa huling 9.1 segundo.

Makakaharap ng Warriors ang nakapagpahinga na New Orleans Pelicans sa best-of-seven West semifinals na magsisimula sa Sabado sa Oracle Arena. Umusad ang Pelicans nang walisin ang Portland TrailBlazers, 4-0.

Nanguna si Aldridge sa Spurs sa naiskor na 30 puntos at 12 rebounds, habang kumana si Patty Mills ng 18 puntos.

SIXERS 104, HEAT 91

Sa Philadelphia, pinangunahan nina Joel Embiid at Ben Simmons ang ratsada para sa unang hakbang ng Sixers sa katuparang ng kanilang “The Process’.

Impresibo ang dalawa para patalsikin ang Miami Heat.

Makakaharap nila sa Eastern Conference semifinals ang magwawagi sa duwelo ng Milwaukee at Boston. Tangan ng Celtics ang 3-2 bentahe.

Hataw si Embiid sa naiskor na 19 puntos at 12 rebounds, habang kumubra si Simmon s ng 14 puntos at 10 rebounds para ihatid ang Sixers sa second round ng playoff na nagdulot nang walang humpay na kasiyahan sa crowd na dumagsa sa Wells Fargo Center.

CELTICS 92, BUCKS 87

Sa Boston, ginapi ng Celtics, sa pangunguna ni Al Horford na kumana ng 22 puntos at 14 rebounds, ang Milwaukee Bucks para sa 3-2 bentahe sa kanilang first-round playoff.

Nag-ambag si Terry Rozier ng 16 puntos at limang assists sa Boston. Makakausad ang Celtics sa second round sa panalo sa Game 6 sa Huwebes sa Milwaukee.

Nanguna si Khris Middleton sa Bucks sa naiskor na 23 puntos, habang kumana sina Jabari Parker ng 17 puntos at walong rebounds, at si Giannis Antetokounmpo na tumipa ng 16 puntos, 10 rebounds at siyam na assists.