Ni REGGEE BONOAN

MASAYANG ipinost ni Kris Aquino ang webisode shoot nila ni Bimby nitong Lunes ng limited edition ng Toblerone para sa Mother’s Day.

jULIA, joSHUA AT kRIS--reggee copy

Bago ang pakete nito at ang Queen of Online World and Social Media raw mismo ang nag-design sabi ng KCAP staff na si Jack Salvador.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Bakit kaya ang awiting Getting To Know Each Other ni Gerard Kenny ang background music ni Kris sa pinost niyang webisode shoot nila ni Bimb?

Anyway, sina Shane Sarte at Direk Lee Meily ang director of photography ni Kris sa nasabing Toblerone webisode shoot.

At dahil ngayong araw na ang first shooting day ni Kris ng pelikulang I Love You, Hater kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto ay muli siyang nag-post para sa mga anak.

“Tomorrow I start my transformation into Sasha Imperial for @starcinema’s #iloveyouhater w/ @juliabarretto & @garciajoshuae. I made this video to remind me that these 2 boys are my greatest achievements. Baka habang nag shu-shooting, makalimutan ko kung sino si Kris at sino si Sasha, marami kasi sila masyadong pagkakahawig.

“Si Sasha ay dating broadcast journalist na nagumpisa ng kanyang digital company na naging media empire hanggang siya na ang pinaka-maimpluwensyang personality sa Pilipinas. Ang #JoshLia ay maglalaban para makuha ang pinakainaasam asam na trabaho, ang maging bagong executive assistant ni Sasha.

“Maraming bubog ang buhay ni Sasha, maaga siyang nawalan ng ina, ang tatay niya ay may malubhang karamdaman, umuuwi sya sa isang mansyon pero kahit akala ng lahat napakasaya ng buhay nya, hindi sya buo dahil wala syang naging anak at hindi sya nagkaroon ng “closure” sa dating asawa.

“Si Joko at si Zoey magiging malaking mga instrumento para buuin ang nabasag na puso ni Sasha. Si Joko at si Zoey habang naglalaban para makuha ang posisyon para maging “right hand” ni Sasha ay ma-i-in love din sa isa’t isa ngunit silang 3, maraming KATOTOHANANG madidiskubre at kailangang matapang na harapin dahil pinagsama sila ng TADHANA.

“For you to give an effective portrayal- you must surrender & embrace the character. It will be a difficult couple of months because there are painful truths in Sasha’s life that run parallel to mine. That’s why I made this video- to remind me that “I would never trade the tears, the conversations no one hears, the learning how to walk before we run...” I will just watch this & listen to @reallysharoncuneta’s version of “OF ALL THE THINGS” & I’ll know that because of Josh & Bimb, I became KRIS.”