(Reuters) – Arestado ang isang lalaki matapos barilin ang dalawang Dallas police officers at lubhang sugatan sa isang Home Depot Inc store at isang sibilyan ang binaril din sa insidente, ayon sa pulis.

Inaresto at ikinulong si Armando Juarez, 29, sa maraming bilang ng aggravated assault sa police officer, ipinahayag ni Dallas Police Chief U. Reneé Hall sa isang news conference.

Dinakip si Juarez, na wanted din sa kasong theft, makalipas ang limang oras na man hunt na kinabibilangan ng mabilis na habulan ng sasakyan, sinabi ng pulis sa Twitter.
Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa