Ni Fer Taboy

Patay ang dalawang hinihinalang holdaper makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Kawit, Cavite, kahapon.

Ang mga napatay na suspek ang itinuturong nagnakaw ng laptop computer sa isang veterinary clinic sa Centennial Road sa Kawit.

Nakatanggap ng report ang Kawit Municipal Police na may nangyaring nakawan sa lugar at kaagad na nagkasa ng checkpoint ang pulisya.

Dumaan sa checkpoint ang motorsiklo ng mga suspek, na tinangkang pahintuin ng mga pulis, pero pinaputukan umano ng mga ito ang mga awtoridad.

Probinsya

Gov. Baricuatro, iniutos four-day work week, 'energy saving measures' sa Cebu

Sa pagganti ng putok ng mga awtoridad ay napatay ang mga suspek, na inaalam pa ngayon ang pagkakakilanlan.