Isang masayang Sabado night ang masasaksihan ng viewers ng mga programa ng GMA na Pepito Manaloto at Celebrity Bluff ngayong Abril 21.

Bibisita si Migo Adecer sa masayang barkadahan ng Pepito Manaloto bilang si Billy, isang Fil-Am vlogger na hinahanap ang kanyang nawawalang ama na si Thomas Jones na isang Pilipino. Si Tommy, na siyang kamukha raw ng ama ni Billy ayon sa mga nakakita, ay pumayag na magpa-DNA test ngunit kailangan muna nilang mag-bonding ni Billy.

Ngunit mukhang may pagbabagong magaganap kay Tommy nang malaman niyang may sakit si Billy at kinakailangan ng kidney donor. Gumawa na kaya ng mabuti si Tommy sa kanyang kapwa o balewalain lang din niya ito?

Samantala, may hatid na isa na namang exciting game night ang Celebrity Bluff host at game master na si Eugene Domingo with celebrity guest bluffer Gabby Concepcion kasama ang bluffers nito na sina Isko “Brod Pete” Salvador at Boobay.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sino kaya sa team nina Valeen Montenegro at Ashley Rivera, Gabbi Garcia at Thea Tolentino, at real-life sweethearts na sina Jake Vargas at Inah De Belen ang may pagkakataong manalo ng kalahating milyong piso?

Tutok lang sa Pepito Manaloto at Celebrity Bluff ngayong Sabado ng gabi sa GMA.