Ni Beth Camia

Hinirang ni Pangulong Duterte si dating Court of Appeals (CA) Associate Justice Socorro Balinghasay Inting bilang bagong miyembro ng Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nilagdaan na ng Pangulo ang appointment ni Inting kapalit ng nagretirong si Comelec Commisioner Arthur Lim.

Si Inting ang unang appointee ni Duterte sa Comelec, at maninilbihan sa susunod na pitong taon.

Tsika at Intriga

Hiwalay na saka umeksena: Barbie pumasok sa buhay ni Richard, wala na sila ni Sarah!

Tubong-Davao City si Inting, na nagsilbing prosecutor sa lungsod bago naging hukom sa Makati City noong 1997.