KAGAYA ng inaasahan, nagparamdam agad ng lakas si defending champion Super GM Wesley So (Elo 2786) matapos pagulungin si Super GM Yaroslav Zherebukh (Elo 2640) gamit ang itim na piyesa matapos ang 53 moves ng Sicilian defense, Rossolimo variation sa opening round ng 2018 US Championship na ginanap sa Saint Louis Chess & Scholastic Chess Club sa St. Louis, Missouri, USA nitong Miyerkoles.

Makakalaban ni So sa second round, Huwebes si Super GM Alexander Onischuk (Elo 2672) na galing sa pagkatalo kay Super GM Varuzhan Akobian (Elo 2647) matapos ang 25 moves ng Dutch defense.

Nauwi naman sa tabla ang laban sa pagitan nina Awonder Liang (Elo 2552) versus Fabiano Caruana (Elo 2804), Aleksandr Lenderman (Elo 2599) versus Samuel Shankland (2671), Hikaru Nakamura (Elo 2787) versus Ray Robson (Elo 2660) at Jeffrey Xiong (Elo 2665) versus Zviad Izoria (Elo 2599).

May nandura? Komosyon sa pagitan ng UP, La Salle coaches, lumala!