LONDON (Reuters) – Patay ang isang babae matapos masunog ang isang care home facility para sa mga taong may learning disabilities sa northeast London nitong Biyernes.

Nagsimula ang sunog bandang 9:14 ng gabi at 12 katao ang inilikas mula tatlong-palapag na gusali.

“Sadly, a woman was confirmed dead at the scene,” ayon sa London Fire Brigade.

May 70 bumbero ang rumesponde sa sunog na tumagal ng ilang oras.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

“Firefighters have been working hard to contain the spread of the fire which has destroyed the roof,” ani Fire Brigade Station Manager Keith Wilson. “Crews expect to be here into the day, tackling hot spots.”