Ni NORA V. CALDERON

SA island paradise ng Boracay ikakasal bukas ang international actress-singer na si Rachelle Ann Go at ang fiancé nitong si Martin Spies, isang American businessman-executive. Mukhang hinabol nila ang wedding bago isara ang isla sa mga turista sa April 26, 2018.

mARTIN AT rACHEL copy

Hindi kataka-takang doon ginusto nina Rachelle at Martin na magpakasal dahil sa Boracay din naganap ang engagement nila last September, 2017 kasabay ng 31st birthday celebration ni Shin (palayaw ni Rachelle), kasama ang family nito. After seven months ay kasalan na.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nasulat na rin kasi noon pa na ayaw nilang magtagal ang engagement nila. Kahit nga ang pagkikilala nila noong 2017 sa New York, nang gawin ni Shin ang Miss Saigon as Gigi sa Broadway at nanood si Martin.

Pagbalik ni Shin sa Pilipinas from London, binigyan agad siya ng bridal shower ng mga close friends niya. At pagdating naman ni Shin sa Boracay, isang kitchen tea party ang ibinigay ng Spies family sa kanya, na naroon na ring lahat.

Invited sa wedding ang close friends ni Shin, mga kasama niyang champions na sina Sarah Geronimo, Martin Bautista at Christian Bautista.

Gumaganap si Shin bilang si Eliza sa kasalukuyang production ng Hamilton sa West End, London.

Wait na lamang natin ang mga kaganapan sa Boracay, bukas.