NI EDWIN ROLLON

KUMPIYANSA si Games and Amusements Board (GAB) chairman Baham Mitra na mas maraming Pinoy ang magtatangkang sumabak sa boxing at makapagbibigay nang mas maraming karangalan sa bansa bunsod nang malawang libreng serbisyong medical ng pamahalaan.

mitra

“Pag marami tayong na-produce na fighter, as malaki ang tsansa na makalikha tayo ng world champion or the next Manny Pacquiao,” pahayag ni GAB Chairman Baham Mitra.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Inaasahan ni Mitra, dating Palawan Governor at Congressman, ang pagdami ng mga fighters na nagnanais na maging professional boxers dahil sa libreng serbisyong makukuha nila saan mas silang panig ng bansa.

“The free medical services program is our priority after President Duterte appointed me as GAB Chief. Ito po ay libre at talang ni isang piso walang gagastusin ang ating mga fighters para makakuha ng libreng check up, ex-ray, CT scan at iba pang services. Ito po ay sa tulong na rin ng Department of Health (DOH),” pahayag ni Mitra, anak ni dating House Speaker Ramon ‘Monching’ Mitra.

Ayon kay Mitra ang programang ‘free medical services’ ay natatangi sa buong mundo, dahilan upang ipagkaloob sa GAN ang parangal na ‘Boxing Commission of the Year’ mula sa pamosong World Boxing Council (WBC).

“Mismong si WBC president Sulaiman, nagulat. Tayo lang sa Pilipinas ang may libreng medical services assistance sa mga fighters,” aniya.

Hiniling umano ni Sulaiman sa isinagawang World Congress sa lahat ng 200 miyembro ng WBC na tularan o gawing ‘template’ ang programa ng GAB para sa mga boksingero.

“Kapag nagustuhan ng ating mga kababayan ang ginagawa namin, masaya na kami sa GAM. Yung pagkilala ng WBC at iba pang world organization, bonus na po iyon,” sambit ni Mitra.

Iginiit ni Mitra na malaking problema sa mga fighters ang gastusin sa medkal kung kaya’t maramio umano ang hindi nagpapa-check up kahit nakipagbugbugan ng todo sa kanilang mga laban.

“Yung gagastusin sa medical, dagdag na lang nila para maiuwi sa pamilya.”

“Isa sa mga hindrances ‘yung kung bakit hindi makapag-compete professionally ang iba. Hirap na nga sila kaya sumasabak sa boxing pero kailangan nilang gumasta for their medical requirements,” sambit ni Mitra.

“ 'Yung CT scan costs around P3,500 to P4,000. If you're required to get an MRI then that's P12,000. Mabigat 'yun sa kanila, ang nangyayari du'n sinasagot muna ng manager, di napapautang sila kaagad,” aniya.

Aniya, ang programang ito ng GAB ay inaasahang magbibigay ng panibaging pag-asa sa mga kabataan na matularan ang mga tulad ni Manny Pacquaio.

“The youth who were inspired by the success of Manny Pacquiao have been given the chance to show their wares. Those who wanted to do it but could not afford, now they are given the chance to do so,” pahayag ni Mitra.