Ni Nitz Miralles

ASTIG ang ipinost na picture ni Direk Mark Reyes nina Jennylyn Mercado, Lean Bautista at Tom Rodriguez na BTS sa taping ng The Cure at may caption na “The Salvador Family.”

Tom, Jennylyn at Lean copy

Mag-asawa sina Tom at Jennylyn dito at anak nila si Lean sa sinasabing first post-apocalyptic series on TV na magpa-pilot sa April 30.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sabi ni Direk Mark, hindi ito tungkol sa zombie dahil Monkey Virus Disease (MVD) ang tatalakayin at mas pinaganda pa ang kalalabasan dahil Canon C300 ang camera na ginamit.

First time magtambal nina Jennylyn at Tom at mag-asawa pa ang kanilang role. Nasabi na ni Dennis Trillo na hindi niya pagseselosan ang pagtatambal ng dalawa, the same way na hindi nagseselos si Jennylyn kay Lovi Poe sa The One That Got Away.

Kagabi ginanap ang presscon ng The Cure at tiyak, natanong si Jennylyn sa “engagement issue” nila ni Dennis.

Tingnan natin kung pareho sila ng sagot ni Dennis na luma na ang singsing na suot ni Jennylyn sa picture na holding hands sila at napansin ang suot na singsing ng aktres.