Ni Nora V. Calderon

Isang malaking selebrasyon ang ginawa ng faithful fans ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera last Sunday para sa 10th anniversary ng The DongYanatics, sa Discovery Primea.

Dong Yan Zia 10th anni copy

Bale 2008 nang matatag ang kanilang fan kingdom at taun-taon ay wala silang pagkasawa na i-celebrate ito kasama sina Dingdong at Marian. Isini-celebrate din nila ang mahahalagang okasyon sa buhay ng mag-asawa tulad ng wedding anniversary, at baby shower para kay Baby Zia noong November 23, 2015.

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

This year ay inagaw ng kanilang unica hija na si Letizia Gracia Dantes ang limelight sa mag-asawa.

Nasubaybayan namin ang video na nai-post ng manager ni Marian na si Rams David, at ipinakita kung paano nag-mini-concert ang bagets. Tuwang-tuwa ang mga fans dahil tuluy-tuloy ang pagkanta ni Zia ng Bahay Kubo at sinundan agad ng Moana at Skidamarink. May boses ang bagets at kabisado niya ang lyrics ng songs.

Nakakatuwa si Zia na kapag may hawak pala siyang microphone, hindi na siya humihinto. Tawanan nang gusto pang mag-host ng little princess nina DongYan, pinigilan na lamang ni Marian at picture-taking na raw lamang sila.

Nagpasalamat ang mag-asawa sa patuloy na pagsuporta sa kanila ng fans sa loob ng sampung taon na.

Pinatunayan lamang ni Zia na anak nga siya ng Kapuso Primetime King and Queen, at hindi na nila mapipigilan ang anak kung sundan ang yapak nila.

Ready na rin naman sina Dingdong at Marian na sundan na si Zia, kung ipagkakaloob na ng Diyos sa kanila. Meanwhile ready na rin ang mag-asawa sa kani-kanilang teleserye na inilatag na ng GMA 7 sa kanila.