Ni Bella Gamotea

Nasa balag na alanganin ang 85 Technical Vocational Institution (TVI) sa bansa dahil sa paglabag umano sa mga alituntunin at implementing guidelines ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), kaugnay ng pagpapatupad ng scholarship programs ng ahensiya.

Nasilip sa ‘spot inspection’ ng National Inspectorate for Scholarship Programs (NISP) ng TESDA ang katiwalian sa natuklasang rehistradong technical-vocational (tech-voc) courses at accredited training centers mula 2017 hanggang 2018 sa buong bansa.

Kaagad na iniutos ni TESDA Director General Guiling “Gene” A. Mamondiong sa binuong validation committee na isailalim sa pinal na validation at mahigpit na pagsisiyasat ang 85 TVIs upang agad na maipatupad ang karampatang aksiyon laban sa mga ito, gaya ng pagkansela sa kanilang TESDA registration.

Eleksyon

SP Chiz sa pagtakbo ni Quiboloy bilang senador: ‘Karapatan niya ‘yon!’

“The Validation Committee is tasked to verify the findings of the National Inspectorate for the Scholarship (NISP) starting 16 April 2018 to 30 April 2018 and shall submit a report thereto with its recommendation on 07 May 2018,” ani Mamondiong.

Batay sa ulat ni NISP Project Team Dir. John D. Simborios, sa nasabing bilang ng TVIs ay 43 ang inirekomendang ipasara, habang kakanselahin naman ang TESDA registration programs ng 42 pa.