Ni Fer Taboy

Aabot sa 47 katao, kabilang ang mga bata, ang nalason nang maapektuhan ng chemical leak sa Barangay Sasa, Davao City.

Ayon kay Senior Insp. Maria Teresita Gaspan, tagapagsalita ng Davao City Police Office (DCPO), nangyari ang insidente nitong Lunes ng hapon makaraang malanghap ng mga residente ng Purok Senior Sto. Niño sa Bgy. Sasa ang mabaho at masangsang na amoy.

Nabatid na sumama ang pakiramdam ng mga residente, na kaagad na inilikas ng mga tauhan ng Central 911.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa isinagawang imbestigasyon, natagpuan ng mga pulis ang 15 bote ng Jalem 500 EC, isang agricultural chemical, na nakabaon sa isang pribadong compound sa lugar.

Mababaw lang ang pagkakabaon sa mga bote, na nabasag ang isa, kaya sumingaw ang kemikal at naamoy ng mga residente.

Sa huling report, nabatid na nalinis na ang lugar mula sa kemikal, at inilagay sa selyadong lalagyan ang mga bote bago dinala sa Environmental Management Bureau (EMB) para sa proper disposal.