Ni Nitz Miralles

HINDI matutupad ang wish ng Kapuso fans na magkasama-sama sa isang show sa GMA-7 sina Janice de Belen at John Estrada at ang anak nilang si Inah de Belen dahil balik-ABS-CBN ang una. Kasama siya sa cast ng bagong primetime teleserye ng Kapamilya Network na The General’s Daughter.

INAH copy

Kung kailan nabalitang gagawa ng teleserye sa GMA-7 si John na sabi kasama sa cast ng Mitho ni Alden Richards, saka naman bumalik sa ABS-CBN si Janice.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Ang anak ni Janice at ni John na si Inah na may kontrata sa GMA-7 ang posible pang makasama ni John sa show, ito ay kung kasama si Inah sa cast ng Mitho. O, di kaya, sa susunod pang show ni John sa Kapuso Network.