Ni Orly L. Barcala

Patay na ang isang machine operator, na huling nakitang uminom ng alak, nang datnan ng kanyang katrabaho sa barracks nito sa Valenzuela City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Ricardo Asuncion, 38, stay-in worker ng Red Soil Plastic na matatagpuan sa No. 70 Paseo De Carlos, Candido Street, Barangay Mapulang Lupa ng nasabing lungsod.

Ayon kay Michael Bautista, katrabaho ng biktima, bandang 6:00 ng umaga, ginising niya si Asuncion para pumasok na sa trabaho.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinabahan umano si Bautista dahil kahit anong yugyog niya ay hindi gumigising si Asuncion.

Pinulsuhan ni Bautista si Asuncion at nadiskubreng patay na ito, at agad ipinagbigay-alam sa mga opisyal ng barangay.

Sa pagsusuri ni Police Sr. Inspector Ma. Leonora Soriano, ng Scene on the Crime Operatives (SOCO) Valenzuela Satellites Office, walang internal injuries ang biktima at posibleng hypertension o sakit sa puso ang ikinamatay nito.