Ni Liezle Basa Iñigo

URDANETA CITY, Pangasinan - Inaresto ng awtoridad ang isang mag-live-in partner na nasamsaman ng apat na kahon ng pekeng sigarilyo sa Barangay Poblacion, Urdaneta City kahapon.

Sina Grace Villafania, 38; at John Navarro, ng Perez South, Bgy. Caviganan, Urdaneta City ay inaresto ng mga tauhan ng Dagupan City Police at Urdaneta City Police sa buy-bust operation sa Poblacion Uno.

Paliwanag ng mga pulis, tumanggi ang mga suspek na magbigay ng impormasyon kaugnay ng kanilang ilegal na gawain, matapos makumpiskahan ng apat na malaking kahon ng sigarilyo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.