Ni REGGEE BONOAN

FINALLY, inamin na si Joshua Garcia na totoo ang haka-haka ng netizens na nag-away sila ni Julia Barretto nitong Semana Santa dahil hindi sila magkasama.

JOSHUA copy

Sa interbyu namin kay Joshua sa set visit ng The Good Son sa Tivoli Royale, inamin niyang sa Bali, Indonesia sila magbabakasyon ni Julia kaya tinukso namin siya ng, ‘Taray, pa-Bali-Bali na’ na ginantihan niya ng kindat.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaya nagtaka kami na hindi sila magkasama, si Joshua lang ang natuloy sa Bali samantalang nasa Siargao si Julia.

May naglabasang isyu na hiwalay na raw na itinatanggi naman ng dalawa. May mga palitan pa sila ng mensahe sa Twitter ng, “Ano bang alam nila tungkol sa atin, Baba?”

Sa one-on-one interview kay Joshua sa Tonight With Boy Abunda nalaman ng lahat na nagkaroon nga ng gusot ang JoshLia.

“Dapat kasama ko si Julia niyan,” kuwento ng aktor nang tanungin siya ni Boy Abunda kung bakit mag-isa siya sa Bali. “Pero nasa family siya ng time na ‘yun and sinulit ko na lang ‘yung time na ‘yun para makapag-relax, makapag-isip-isip.

“Nagkaroon lang kami ng mga misunderstanding, pero hindi ho kami nag-break. Kung ano kami nu’n, ganu’n pa rin kami.”

Sa set visit, natanong din ang aktor tungkol sa isang fan na nakaka-chat niya pero hindi na niya ito sinagot, ayaw daw niyang pag-usapan dahil hindi naman big deal.

Hindi na nakaiwas si Joshua nang tanungin ni Kuya Boy kung sino ang fan na nangangalang Dane.

“Si Dane? Tito Boy, wala lang po siya. She’s just wala, wala siya sa buhay ko. Hindi siya naging parte o kahit ano.

Nag-comment ako sa kanya na kinompliment ko lang naman ‘yung picture, eh. Wala namang nangyaring conversation.

Siguro kasi, Tito Boy, nakahanap ‘yung mga basher ko ng (isyu).”

Sa bahaging ito naiyak si Joshua.

“Hindi kasi madali ‘yung nangyari nu’n, eh… Ang daming nag-judge,” saad ng binata. “Sobrang okay namin (ni Julia) ngayon. Siguro masasabi ko lang ngayon, masaya ako na nangyari ‘yun. Kasi may mga natutunan ako na ingatan ko ang ginagalawan kong mundo, kasi hindi siya para sa lahat sabihin.

“Like for example, may gusto lang akong i-compliment, hindi ko naman flinirt. Kung flinirt ko kasi siya I would say hi, hello. Pero hindi. And siyempre nagsisi din ako, Tito Boy na ginawa ko ‘yun kasi nagalit ‘yung mahal ko sa buhay.

“Yes. Sinabi ko sa kanya na, siyempre I apologized for what happened and sinabi ko na challenge lang to, kaya natin tong malagpasan.

“Nagdasal ako nu’n, Tito Boy, kung bakit nangyari ‘yun kasi nagtatrabaho naman ako ng maayos, ‘di ko alam kung bakit nagyari ‘yun pero siguro may gusto lang iparating sa akin si Lord. May gusto siya na matutunan ko. And narinig ko siya, gusto ko lang din po mai-clear sa lahat and ma-admit ‘yung nangyari.”

Hayan, malinaw na, okay na ang JoshLia at sana huwag na silang guluhin ng kanilang bashers na hindi rin naman nagtagumpay na paghiwalayin sila.