Ni Reggee Bonoan

“SI _____ (aktres) nagpapansin wala na kasing career kaya lahat ng events pinupuntahan na dati naman hindi siya ganyan,” tsika ng aming katoto.

‘Baka naman iniimbita kasi kaya laman lagi ng showbiz events,’ hirit namin.

“Lagi naman siyang iniimbita rin dati pa, pero ang dami niyang alibi na hindi makakapunta kasi may lakad o kaya may sakit, madalas kasi nagkakasakit siya, ewan kung true. Pero ngayon maski hindi masyadong importante ang mga lakad, gora ang lola mo kasi need na niya ng exposures, alam mo na, ang dami na kasing bago ngayon at natatabunan na siya.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

“Hindi rin naman kasi nagle-level up ang acting niya at style, waley na, sana manood at magbasa-basa rin siya para may bago.”

‘May galit ka ba sa kanya (aktres)?’ tanong namin sa katoto.

“Waley, ano ba, tsika ko ‘yun. Nagsasabi lang ako ng totoo.”

Baka nga hindi na busy ngayon ang aktres kaya nasisipot na niya ang mga showbiz event.