Ni Leandro Alborote

TARLAC CITY - Anim na umano’y drug addict ang dinakma ng mga pulis sa Sitio Calero, Barangay Tibag, Tarlac City, sa loob ng 24 na oras.

Isinagawa ng Tarlac City Police ang anti-illegal drugs operation sa nabanggit na barangay, sinimulan nitong Martes ng gabi, na ikinaaresto nina Lucia Quiambao, alyas Luz, 56; Arlene Villarico, 32, ng Block 3, Bgy. San Nicolas; Anne Clarence Herrera, alyas Anncee, 20; Christopher Virtudazo, 43, ng Block 6, Bgy. San Pablo; Jon-Jon Baribal, alyas Bok, 35, ng Phase 1, Teresa Homes Subdivision; at Dennis Agustin, 35, ng Sitio Centro, Bgy. Tibag, Tarlac City.

Ayon sa awtoridad, nakorner nila ang anim na suspek matapos umanong mahuli sa aktong nagpa-pot session, ilang minuto matapos maglatag ng buy-bust operation sa lugar.

Probinsya

'Amazing race?' 15 bus ng isang bus company, suspendido dahil sa 'karera'

Nasamsam sa anim na suspek ang hindi pa mabatid na halaga ng droga, marked money, at drug paraphernalia.