Ni Reggee Bonoan

SA tuwing naiinterbyu ang aktres tungkol sa married life ay puro magagandang bagay ang sinasabi niya tungkol sa kanilang mag-asawa, at napakasaya niya dahil nakatuluyan niya ang lalaking pinangarap niya sa buhay.

Masaya na rin kami para sa aktres dahil noong hindi pa siya lumalagay sa tahimik ay wala siyang ginawa kundi magbilang ng boyfriend na, in fairness, one at a time lang kung makipagrelasyon na suwerte na kung umabot sa isang taon.

May nakarelasyon ang aktres na perfect na sana dahil kaya siyang supilin sa mga kalokahan niya at higit sa lahat, napakatino ng lalaki kaya botong-boto pati magulang at mga kapatid ng girl.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Pero sa hindi malamang dahilan ay nagpahayag ang aktres na hiwalay na sila ng boyfriend. Marami ang nanghinayang at wala namang maibigay na dahilan kung bakit kumalas sila sa isa’t isa.

Nalaman na lang ng lahat na may bago nang boyfriend si aktres na siyang napangasawa niya at ipinagsisigawan niya sa buong mundo na mahal na mahal niya at masaya siya.

Heto na, Bossing DMB, naikuwento ng married nang aktres sa BFF niyang aktres din na nagsisisi siya sa pag-aasawa na akala niyang parating bed of roses.

“Paano, kumakalam na ang sikmura niya, wala namang permanenteng trabaho ang asawa, paraket-raket lang, kaya napipilitan pa ring siyang tumanggap ng work. Sabi pa naman niya noon, magla-lie low siya kasi gusto niyang maging ideal housewife at saka that time siguro marami pa siyang pera kasi bago naman siya nag-asawa ang dami niyang projects.

“’Tapos ngayon, naalala niya si _____ (ex-boyfriend) na kung ‘yun na lang daw sana ang pinili niya siguro mas masaya siya o mas okay kasi may plano sila noon na career muna bago magpakasal.

“’Yung guy kasi breadwinner kaya inuuna muna ang pag-iipon, magpatayo ng sariling bahay, para may pag-uuwian siya ng future wife niya. Eh, siguro hindi nahintay ni _____ (aktres),” detalyadong kuwento sa amin ng kaibigan ng aktres.

Nasa huli talaga ang pagsisisi, ‘no? Akala kasi ng iba ay pag-aasawa ang kasagutan kapag may gustong takasan.

Sa ngayon, may karelasyon na ang ex-boyfriend ng aktres. Nalaman ng ex-BF na nanghihinayang ang aktres sa pakikipagkalas sa kanya, at ang sabi lang ng guy, “Tsk... tsk, hayaan mo na siya. Basta ako masaya ako sa buhay ko.”

“Mahilig kasing makipagkumpetensiya si _____ (aktres), gusto niya lagi siyang winner,” dagdag pa ng aming source.