Ni JIMI ESCALA

KAHIT nakatakda pa lang umpisahan ang taping ng bagong serye ni Angel Locsin sa ABS-CBN ay super excited na ang kanyang loyal supportes.

ANGEL copy

Take note, pang-primetime naman kasi uli ang bagong drama series ni Angel. Hanggang ngayon ay inililihim pa rin daw ng aktres kung sino ang mga makakasama niya at kung ano ang magiging role niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pero pawang big stars daw ang mga kasama ni Angel sa bagong drama series. Tikom daw ang bibig ni Angel nang usisain kung isa sa mga makakasama niya si Maricel Soriano.

Ayon sa mga tagahanga ni Angel, tuwang-tuwa at excited sila na mabibigyan ng pagkakataon na magkasama sa isang project sina Angel at Maricel.

Samantala, nalaman din namin sa mga tagahanga ni Angel na nagbakasyon sa Sagada ang idolo nila kasama ang boyfriend nitong si Neil Arce. Sinasamtala ni Angel ang mahabang bakasyon dahil once na mag-uumpisa na ang taping ng bagong drama series pati na ang uumpisahang pelikula with Richard Gutierrez ay tiyak na wala na namang pahinga ang magaling na aktres.

Naiulat na last year pa na makakasama nina Angel at Richard si Angelica Panganiban sa bagong pelikula ng Star Cinema pero sa kung anumang kadahilanan ay hindi na ito matutuloy.