Ni Light A. Nolasco

BALER, Aurora - Nailigtas ng mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang 15 turista nang tangayin sila ng alon habang naliligo sa baybayin ng Barangay Sabang, Baler, Aurora, nitong Linggo ng hapon.

Ayon kay MDRRMO chief, Gabriel Llave, paulit-ulit umanong pinagbawalan ang mga ito na huwag lumayo sa dalampasigan, ngunit binalewala umano ang mga ito.

Nakainom umano ang mga ito nang lumusong sa dagat, kaya hindi napansing tinatangay na sila ng alon. Hindi na binanggit ni Llave ang pagkakakilanlan ng mga ito.

Probinsya

Lalaking nasakote ng pulisya sa pagnanakaw ng avocado, tumakas at nang-hostage ng buntis!