Mula sa Entertainment Tonight

HINDI naghahangad ng anumang regalo sina Meghan Markle at Prince Harry sa kanilang kasal sa Mayo 19.

Prince Harry at Meghan copy

Inihayag ng Kensington Palace nitong Lunes na sa halip na royal wedding presents, inaasahan ng mga ikakasal sa kanilang 600 guests, gayundin ang sinumang nagnanais, na mag-donate sa isa sa pitong charity na kanilang pinili.

'Dami pong sideline!' BINI Jhoanna, sumabak bilang docuseries intern

“Prince Harry & Ms. Meghan Markle are incredibly grateful for the goodwill they have received since their engagement, & have asked that anyone who might wish to mark the occasion of their wedding considers giving to charity, instead of sending a gift,” saad sa pahayag na ipinost sa Twitter. “The couple have personally chosen 7 charities which represent a range of issues that they are passionate about, including sport for social change, women’s empowerment, conservation, the environment, homelessness, HIV and the Armed Forces.”

Kabilang sa mga charity ang Chiva Projects, na naglalayong makalikha ng maayos na kinabukasan ng mga batang lalaking mayroong HIV at ang kani-kanilang mga pamilya, Crisis U.K., ang national charity helping people na tumutulong sa taong walang tirahan, at ang Myna Mahila Foundation, na organisasyon nagappalakas sa kababaihan sa squatter area sa Mumbai sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho at menstrual hygiene products. Ang huli ang partikular na malapit sa puso ni Meghan. Binisita niya ang foundation noong Enero at nagsulat siya ng piece tungkol sa kanyang karanasan para sa TIME.

Ang iba pang charity ay ang Scotty’s Little Soldiers, na sumusuporta sa mga bata, na nawalan ng mga magulang dahil sa pagsisilbi sa British Armed Forces, Street Games, isang national sports charity na tumutulong sa kabataan na naninirahan sa hindi nakaririwasang lugar sa U.K., Surfers Against Sewage, at The Wilderness Foundation U.K.