Ni NORA CALDERON

EXCITING ang three-way battle sa second episode ng Lip Sync Battle Philippines last Sunday. Three-way, pero apat ang contestants, sina Sanya Lopez, Andrei Paras at ang kambal na sina Mavy at Cassy Legaspi, anak ng mag-asawang Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

CASSY copy

Paliwanag ng host na si Michael V, as one ang bilang sa kambal kaya bale three-way battle talaga ito.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Kanya-kanyang in-interpret na awitin ni Madonna ang tatlong naglaban-laban. Nakakatuwa sina Mavy at Cassy, hinamon pa nila sina Sanya at Andre: “We maybe kids but get ready!” Ayon kay Mavy, magaling daw siyang mag-lipsync sa banyo at ang sabi naman ni Cassy ay lagi silang nanonood ng Lipsync battle noon pa.

Hindi inasahan na ganoon kahusay ang performance ng kambal. Inspired yata ang kambal dahil nasa audience ang kanilang supportive parents.

Mahusay talaga ang performance nila, lalo na noong kunwari ay nagsusuntukan sila habang kumakanta. Kaya nang bumoto na ang audience, sina Mavy at Cassy ang nanalo at nakatanggap, each, ng Lip Sync Battle Championship Belt, mula sa color commentator na si Iya Villania.

Ibig bang sabihin nito ay tuluy-tuloy na ang pagpasok ng kambal sa showbiz? Magbago na kaya ang laging sagot nina Zoren at Carmina na hindi naman nila pipigilan ang 16-year-old na kambal na pasukin ang showbiz, kailangan lang munang makatapos ng studies.

Kapag walang pasok sa school, madalas mag-guest sina Mavy at Cassy sa Eat Bulaga. Kapag Saturday, napapanood sila sa opening production number ng noontime show, dahil pareho silang mahusay sumayaw. Betweeen the two, si Cassy talaga ang mahilig mag-artista, samantalang sports naman ang hilig ni Mavvy. Pero iyon nga, kapag naiimbitahan silang mag-perform sa shows, hindi naman siya tumatanggi.

Congratulations, Mavy and Cassy!