Ni MERCY LEJARDEEllen

TALES of Dahlia ang isa sa bagong movies na ginagawa nina Kikay at Mikay.

KIKAY AT MIKAY copy

Si Moise Lapid ang kanilang director sa nasabing indie film with co-stars Shaira Mae dela Cruz, Martin Escudero, atbp.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

In pernes, sina Kikay at Mikay ay belong sa main cast ng Tales of Dahlia na may tatlong episode dahil lagi silang napagkakamalang kambal kaya ibinigay sa kanila ang role na magkapatid na kambal.

Gumaganap sa istorya si Kikay bilang si Star at si Mikay naman bilang si Tala na napabilang sa mundo ng Paraiso.

And take note, ang pangalawang indie film na gagawin nila ay may titulong Susi sa direction naman ni Baui Arthur at kasama rin sila sa main cast.

We heard also na after ng shooting nila sa Tales of Dahlia at Susi, may ikakasa naman ang pangatlong movie nila with Sylvia Sanchez na magiging nanay ng dalawang bagets. Ayon sa aming source, heavy drama ang tema ng istorya.

Wow, slowly but surely ay nakakamit na nina Kikay at Mikay ang kanilang dream na maging artista sa big screen at masundan na rin ang naging yapak ng kanilang Tita Donita Rose sa mundo ng showbiz.

Go, go, go, Kikay Mikay!