Ni Nitz Miralles

NAKAKATUWA ang congratulatory message ni Xian Lim sa bagong Star Cinema movie ni Kim Chiu.

xiam

Ipinost kasi ni Xian ang poster ng Da One That Ghost Away o DOTA at iprinomote ang showing sa April 18.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Congratulations in advance @chinitaprincess! Ikaw lang ang nakakagawa ng Horror at comedy at drama all in one take naks! Nakakatawa ka kasi sa totoong buhay and at the same time pag nagalit nakakatakot... nakakatacute. April 18 na po DA ONE THAT GHOST AWAY!”

Sumagot si Kim ng “awww nakakatouch naman!!! Nakakangilid ng slight!!! Hahahaha thanks xi!!!”

Nabasa namin sa poster ng Star Cinema movie na kasama ni Kim sa cast sina Maymay Entrata, Edward Barber, Ryan Bang, Enzo Pineda, Pepe Herrera at may special participation si Melai Canteveros.

Si Tony Reyes ang director ng DOTA.