Ni Cover Media

NAHIHIRAPANG mamili si Carly Rae Jepsen ng pinakamagandang kanta mula sa 100 awitin na kanyang isinulat para sa bagong album niya.

Carly

Hindi pa naglalabas ang Call Me Maybe hitmaker ng full album mula nang mapakinggan ng fans ang kanyang ikatlong studio effort, ang Emotion, noong 2015, ngunit tila matatagalan pa ang paghihintay ng kanyang fans, dahil kahit marami siyang materyal, nahihirapang magdesisyon si Carly kung saang direksiyon papupuntahin ang kanyang ikaapat na album.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“I am still in the thick of it,” sabi niya sa People nang tanungin tungkol sa kanyang bagong album na ilalabas ngayong taon. “It’s definitely starting to take shape, but it’s always been my process to really write and experiment and allow myself to go in a bunch of different directions before I select the songs that seem to be sticking out the best or seem to be connecting with not just me, but my bandmates and my family and friends.”

Nagtanghal si Carly sa Carnival Cruise bilang bahagi ng Carnival Live Concert Series noong Pebrero at ginamit niya ang paglalakbay para pumili ng mga kanyang mga awiting gagamitin sa album.

“Late night on the ship’s deck... after the show we went and sat out on the patio, and the boys and I went through a listening party of something like 100 songs - to start to narrow down our favourites,” pagbabalik-tanaw niya. “I find them to be extremely helpful in that because it’s hard to have perspective when you’ve just been in the studio for so long and working so hard with it; it’s great to have friends who care and are invested enough to give their opinions and help narrow it down.”

Samantala, hindi pa rin magkandatuto ang fans sa paglabas ni Carly sa Backseat song ni Charli XCX at halatang masaya ang Canadian singer sa collaboration, at inamin niyang matagal na siyang mayroong malaking “creative crush” sa British songwriter.

“Everyone that we knew that had written with both of us was kind of urging us together at some point because they thought a collaboration made a lot of sense,” nakangiti siyang sabi, at ibinunyag niyang sa loob ng isang linggo ay nalikha na niya ang awitin.

“It was a really rushed but exciting project!,” sabi pa ni Carly.