Ni Nitz Miralles

NATAWA kami sa reaction ni Christian Bautista sa isyung may sinagot siyang reporter ng, “Bakit mo tinatanong, hindi ka naman invited?”

Christian copy

Nagtanong daw ang reporter kay Christian ng date ng wedding nila ng fiancee niyang si Kat Ramnani at ‘yun daw ang sagot ni Christian.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Nanindigan ang reporter na ‘yun ang narinig niyang sagot ni Christian, kaya tinanong namin ang singer-actor na nagulat.

“Saan galing ‘yan? Wala akong sinasabing ganu’n,” sagot niya sa tanong namin na in fairness, hindi galit kundi natatawa.

Kaya raw wala pa siyang maibigay na date dahil nasa planning stage pa ang lahat. Pati nga mga ninong at ninang at ibang wedding sponsors, hindi pa nila napa-finalize. Baka sa October, puwede na siyang magkuwento ng kumpletong detalye dahil sa end of the year ang wedding nila.

“Kaya nga tuluy-tuloy ang trabaho ko dahil magastos ang magpakasal. Thankful ako na maraming blessings ang dumarating. Definitely, hindi last concert ko itong 3 Stars, 1 Heart bago ako ikasal, may mga kasunod pang concerts,” sabi ni Christian.

Gaganapin sa CSI Stadia sa Dagupan ang second leg ng concert sa April 14 nina Christian, Julie Anne San Jose at Regine Velasquez. Sa direction ni Paolo Valenciano at musical director si Raul Mitra, produced ito ng GMA Entertainment Content Group (ECG) at GMA Regional TV (GMA RTV).

Sa presscon ng concert, in-annnounce ni Oliver Amoroso, GMA RTV Vice President and Head Oliver Amoroso na ang third leg ng 3 Stars, I Heart ay gaganapin sa Dubai. Sa June 16 ang concert nila sa Dubai World Trade Center.