Ni NITZ MIRALLES

HINDI lang ang Sikat Ka Kapuso shows (last show this Sunday sa Toronto) ang inaabangan ng fans ni Alden Richards.

Jessica copy

Pati ang pagdalo ng aktor sa gala ng 2018 New York Festivals International Television & Film Awards sa April 10 sa NAB Las Vegas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Inaabangan at ipinagdarasal ng fans ni Alden na manalo ang Alaala (Remember): A Martial Law Special ng GMA Network na nominated sa Best Docudrama category.

Ipinagdarasal din ng fans ni Alden na maging maayos at hindi siya nerbyosin dahil, kasama si Jessica Soho, presenters s i l a sa awarding ceremony. At least, may kasama si Alden na kakilala niya, hindi siya masyadong kakabahan sa pagharap sa international audience.

I n c i d e n t a l l y , nominated din si Jessica sa Best News Anchor category at nominated a n g n e w s c a s t niyang State of the Nation with Jessica as Best N e w s c a s t s a r e p o r t na Ma r awi Liberated: War Is Over.

May 1 2 nominations a n g GMA N e t w o r k this year, kabilang ang nominasyon nina Jessica at ang Alaala na tinampukan ni Alden.

Pagkatapos ng Sikat Ka Kapuso, bibiyahe na si Alden papuntang Las Vegas para dumalo sa gala at pagkatapos nito, balik-New York naman siya para sa two-day acting workshop kay Anthony Vincent Bova.

Sa April 15 ang balik ni Alden na magpapahinga lang ng ilang araw ay saka naman sisimulan ang recording ng kanyang third album under GMA Records. Nabalita ng kasama sa album ang version niya ng I Will Be Here For You.