Ni NITZ MIRALLES

MAY paliwanag si Kris Aquino kung bakit niya dinelete a n g k a n y a n g post tungkol sa movie project niya sa Star Cinema.

KRIS copy

“I went to Church, 6:15 Mass. I told God I surrender to His guidances as to what will be best for me. I trust my Creator & @nix722 & i also trust @visionerickson’s judgement.”

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May nag-react sa post na ‘yun ni Kris na ang sabi, “Simple di na tuloy ang pagsama sa KathNiel movie.” Ang sagot ni Kris, “It was never a KathNiel project FYI.”

Hangga’t walang go signal sa kanyang mga manager, wala muna siguro tayong mababalitaan sa movie offer ng Star Cinema kay Kris.

Samantala, may fan si Kris, si Michelle Sarmiento- Bonifacio na matutupad ang wish na makita nang personal ang kanyang idolo after mabasa ng Queen of Social Media and Online World ang post nito sa Instagram at ikuwento kung gaano niya kamahal si Kris. Ikinuwento rin kung paanong saya at kung gaano kalaki ang inspirasyon na ibinibigay ni Kris sa buhay nito.

Labis na ikinatuwa at nagpasalamat si Michelle sa sagot sa ni Kris na, “We’ll invite you to meet me soon...”