Ni REGGEE BONOAN

NAPAKARAMING nagtatanong kung bakit pinatay na ang karakter ni Sofia Andres bilang si Mayari na taga-Laot sa umereng episode ng Bagani nitong Miyerkules.

SOFIA copy

Tinamaan si Mayari ng kidlat ni Sarimaw (Ryan Eigenmann) na pinalaya naman ni Lakam (Matteo Guidicelli) na taga-Kalakal.

Karina Bautista, PH navy reservist na

Nitong Huwebes, tuluyan nang nalagutan ng hininga si Mayari kaya nagulat at nalungkot nang husto ang followers ni Sofia. Lahat ng nababasa naming komento sa kanyang IG account ay humihiling na pabalikin siya.

Naririto ang ilang followers ng aktres na agarang nagkomento.

@brian_supremo: “Hopefully twist lang ‘yung pagkamatay mo at muli kang bubuhayin ng mga sirena or ni kataw.”

@mjavier09: “Balik Mayari.”

@k s j n p h s : “ S a n a ma y twist!!! Bakit nman ganun @ starcreativestv?”

@brylelorense07: “Milkeni milkeni doremi mabuhay ka sana.”

@cristyrodriguez47: “Bumalik ka Mayari please @iamsofiaandres.”

@jenlyn_correa: “ Mayari paano na ang puso ni Datu?”

@Wendyragilesrafer: “Bakit ang aga mong nawala sa Bagani?”

@aanthonyng: “Probinsyano may kagagawan nito kaya maagang nawala.”

@Dutchmari: “Mayari bumalik ka please @iamsofiaandres you are my favorite Bagani.”

@dutchmari@polandzurita: “Me too si Mayari talaga ang favorite kong Bagani.”

@renielpulido: “Bakit ka namatay sa Bagani hindi na kumpleto yung Bagani.”

@renielpulido: “Kulang na ang Bagani, hindi na kumpleto bakit agad kang pinatay e diba bida ka dun kasi lima kayo na Bagani.”

@Mdbaddestcheetah: “Ibalik si Mayari.. takte minsan na nga lang ako manood ganun pa ang scene.”

@okay_kerr @assejkhan: “Yeah, true. I wonder what happened.”

At dahil sa pagkawala ni Mayari ay may mga umaaway na sa writers ng show.

@chris_balagtas: “BAKIT??? Pinatay si Mayari sa Bagani??? Bakit maagang Nayari si Mayari, eh, isa ka sa 5 Bagani? Palagay ko Bakla,Bakla! ang Scriptwriter ng Bagani at Insecure sa yo. Pangit na magiging plot ng Bagani kasi hindi na matatalo si Sarimaw!!! Hay naku StarCreative Umayos kayo!!!”

Agad kaming nagtanong sa kakilala namin sa production ng Bagani at ang sabi sa amin, “Iyon po talaga ang nasa original script po ng show.”

Ma y b a g o n g show ba si Sofia kaya tinanggal na agad? Ganu’n kasi ang pagkakaalam namin sa ABS-CBN na kapag may bagong programa ay inaalis na sila sa existing program.

“May mga offers po, wala kaming alam pa,” saad ng kausap namin.

Samantala, kontrabida ang karakter ngayon ni Matteo bilang si Lakam dahil ginalit siya ng tatay niyang si Ama (Robert Seña) na natatalo na siya ni Lakas (Enrique Gil) kaya kailangan niyang ipakitang walang nakadadaig sa kanya.

Inaabangan ang paghahasik ng lagim nina Lakam at Sarimaw laban kina Lakas, Ganda (Liza Soberano) at Dumakulem (Makisig Morales).