PANGUNGUNAHAN nina 4-years-old Magnus Carlsen Sidaya Roma at 12-years-old Cyrus Vladimir Francisco ang mga kalahok sa pag-arangkada ng Knights of Columbus blitz chess tournament sa Abril 8 sa Knights of Columbus Council 4288 sa compound ng Our Lady of Loreto Parish sa Sampaloc, Manila.

Sisimulan ang pagpapatala sa ganap na alas-dose ng tanghali.

Suportado ng Ang Chess Player at ni Congressman Edward Maceda, aktibong miyembro ng Knights of Columbus Council 4288 at kaagapay si kagawad Katy Adonis Lagnada ng Barangay 398 Zone 41 ay ipapatupad ang five minutes plus five seconds delay blitz format ayon kay tournament director Christopher “Kuya Chris” de Guzman.

Si Christopher “Kuya Chris” de Guzman na Team Coach ng Knights of Columbus chess team at Team Manager ng Lyceum of the Philippines University (LPU) Chess Team ay acting president din ng Novelty chess club.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kasama rin sa inaasahang lalahok ay sina Genghis Katipunan Imperial, Alvin Gayeta Roma, Enrique David III, Alexis Emil Maribao, Ronald Hermida, Adrian Perez, Tyrone Delos SantosJonathan Jota , Walt Talan, Virgen Gil Ruaya, John Michael Magpily, Marco Mabasa, Stevenson Garong, Romulo Curioso at mga chess players mula Child of Hope