TRENDING at usap-usapan ngayon ang naging episode ng The One That Got Away na nagpapatulong si Iñigo (Ivan Dorschner) kay Bunny (Nar Cabico) sa balak niyang panliligaw kay Darcy (Max Collins).

Kilig to the bones at non-stop good vibes ang inihatid nito sa viewers dahil ang dalawa naman daw talaga ang meant for each other. ‘Kaso, ang tanong, successful kaya ang proposal na ito?

Samantala, aaminin naman ni Gael (Jason Abalos) kay Zoe (Rhian Ramos) na sasama na sila ni Nemo (Euwenn Aleta) kay Yvette (Elle Ramirez) patungong Canada. Paano na masasabi ni Zoe ang tunay niyang damdamin sa binata? Mapigilan kaya niya si Gael?

Abangan ang nakakatuwang mga tagpo gabi-gabi sa The One That Got Away sa GMA

Karina Bautista, PH navy reservist na