Ni Danny J. Estacio

CALAMBA CITY, Laguna - Isang Indian ang nagreklamo sa pulisya matapos siyang holdapin umano ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Calamba, Laguna nitong Miyerkules ng umaga.

Mangiyak-ngiyak pa si Kuljinder Singh, 37, ng Tierra Hermosa, Barangay Bucal, Calamba, nang magtungo sa himpilan ng Calamba Police upang maghain ng reklamo sa laban sa dalawang holdaper na armado ng baril.

Sa kanyang salaysay, kasisingil lamang ni Singh sa kanyang mga pautang nang abangan siya at tutukan ng baril ng dalawang suspek sa Barangay Parian, dakong 11:30 ng umaga.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Dahil sa takot, ibinigay ni Singh ang kanyang kinitang P15,000, ngunit hindi pa nakuntento ang mga suspek at tinangay pa ang kanyang motorsiklo.