Ni Beth Camia

Sinimulan na ng Task Force Bangon Marawi ang pag-aaral sa mga titulo ng mga lupain ng mga residente sa Marawi City sa gitna ng planong rehabilitasyon sa lungsod.

Sinabi ni Assistant Secretary Kristoffer James Purisima, tagapagsalita ng Task Force Bangon Marawi, na pinag-iisipan nilang idebelop ang ilang residential areas, partikular na ang mga nasasakop ng military reservation.

Nilinaw niya na dadaan sa negosasyon ang lahat.

Tsika at Intriga

'Hindi kaduwagan yung pinili ko!' Misis ni Nikko, sinupalpal mga apektado sa pagpapatawad niya sa asawa

Noong unang panahon, pinayagan ang mga residente ng Marawi City na magtayo ng mga tirahan at establisimyento kahit na walang titulo,. ngunit hindi ito nangangahulugan na pag-aari na nila ang mga lupa.